Know More about PAGASA Color-Coded Warning Signals

Wednesday, 15 August 2012 0 comments

Safety First! Know More about PAGASA Color-Coded Warning Signals.

Ang mga flood alerts


Sa ilalim ng warning system kung malakas ang ulan, yellow warning ang itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod na isang oras, at inaasahan na magpapatuloy ito.

Kung bahagi ka ng pamayanang binigyan ng yellow warning, pinapayuhan kang maging alerto sa kundisyon ng ulan, at binibigyang-babala na maaaring bumaha sa mga mabababang lugar.

Orange alert naman ang itinataas sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras. Nagbabadya na ang baha sa mga pamayanang ito.

Kung maituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan, red alert ang itinataas. Nangyayari ito kung mahigit 30 mm ang ulan sa susunod na isang oras, o kung tatlong oras nang malakas ang ulan at umabot na sa 65 mm.

Kapag itinaas ng PAGASA ang red warning, inaasahan ang pagkilos at pagtugon ng mga pamayanan. Mapanganib na ang baha at dapat nang maghandang lumikas ang mga residente tungo sa mas ligtas na lugar.




Paano ito gumagana?

Base sa alert level, alamin kung apektado ang iyong lugar. Halimbawa, kung nakatira ka sa Marikina: Pumunta sa Project NOAH. Makikita ang situwasyon ng baha sa sandali ring iyon kung i-click ang flood map, at pumunta sa flood inundation. May bagong flood scenario ng Marikina na makikita roon tuwing sampung minuto.

Sa kaso ng mga alert, makipag-ugnayan sa inyong mga LGU:

MMDA Flood Control – 882-4177, 882-0925
Parañaque DPOS – 829-2056
Manila Traffic Hotline – 527-3087
Cainta Traffic Hotline – 646-0044, 655-7368 loc. 164
Las Piñas Traffic – 874-5756, 874-3957, 874-3927
Mandaluyong Hotline – 534-2993
Taguig Traffic – 838-4301 loc. 7112
Marikina STOC – 646-1651
Pasig Traffic – 643-0000, 724-5813

Makati Public Safety Dept – 844-3146, 819-3270

Bawat local government unit ay nakatukoy na ng evacuation center sakaling bumaha. Ito ang mga multi-purpose center ng mga barangay, ilang barangay hall, at mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school.

Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Government Information During National Disasters.

source:gov.ph official gazette
Share this article :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. PML - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger