Biyahe ni Drew on GMA News TV- Video Teaser

Wednesday, 30 January 2013 0 comments

Watch Biyahe ni Drew on GMA News TV. Tipid travel tips from Drew Arellano. Join him every Friday, 10 PM on GMA News TV Channel 11!

"Ilang beses na rin siyang nag-“BalikBayan” kasama ng iba’t ibang celebrity sa kanilang probinsiya o lungsod na kinalakihan. Kasama natin siyang nag-Weekend Getaway kasama ng masusuwerteng weekend warriors. Pero ngayong 2013, lahat tayo, tuturuan niyang huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Base sa mga naging karanasan ni Drew sa pitong taong pagbibiyahe linggo-linggo, matututunan natin ang mga sikreto para magkaroon ng isang sulit na bakasyon. Kaunting budget at dalawang araw lang ang kailangan, matutugunan mo na ang kati ng iyong talampakan.
Makisabay na sa “Biyahe ni Drew.”

Para sa kanyang kauna-unahang Biyahe, ipakikita ni Drew kung ano nga ba ang tipo niyang bakasyon – yung may nature-tripping, may magagandang tanawin, sariwang seafood at higit sa lahat, yung puwedeng mag-relax-relax lang. Sa kanyang pagre-research, nadiskubre ni Drew na sa dinami-rami ng napuntahan niya sa Pilipinas, may ilang lugar pala na hindi pa niya nararating at isa na rito ang Bislig, Surigao del Sur."

Here's a photo from Drew: "Tin-uyan falls, Bislig, Surigao del sur. Our version of the mighty Niagara falls. 


'Biyahe ni Drew' premieres this Friday, 10 PM on GMA News TV. For more about Drew's travels: http://gmane.ws/XdDCjl
photo and video credit:GMA News TV
Share this article :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. PML - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger