SEVEN SIXTEEN - An original Aldub song with Lyrics

Tuesday, 6 October 2015 0 comments

Watch and Listen to SEVEN SIXTEEN - An original Aldub song by Paola Lozare and Nat Casillan.
As avid fans of Eat Bulaga's Kalyeserye, we thought it would be fun to write a song about how it all began and reminisce Aldub's earliest kilig moments :) Seven Sixteen (July 16) is when Yaya Dub and Alden first saw each other on split screen. Hope you like it and spread the good vibes, laughter and kilig, and please #SupportOPM!!

SEVEN SIXTEEN
Music, lyrics and vocals by Nat Casillan and Paola Lozare
Video by Ceidge Razon

Aldub darapdapda
Aldub darapdapda

Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkita
Umuulan at nakatago sa pamaypay mong pula
Napatingin ka sa akin at ngumiti ng kay tamis
Doon nagbago ang lahat simula nung seven sixteen

Ngunit hindi ko alam kung paano sasabihin
Ang tunay na nadarama
Alam ko aktingan lang to
Pero parang naging totohanan na

Tanging ikaw lamang ang aking inaasam
Gustong makapiling, hindi lang sa split screen
Pinky swear, Mainenamahal kita
At wag kang magalala, ako'y maghihintay
Hindi ako magsasawa't patuloy lang na aasa
Sa tamang panahon

Naaalala ko pa nga mga padala mong sorpresa
Sila Mickey at Minnie, ang Mikmik at Hany
At ang sangkatutak na rosas
At sa bawat weeksary tumitindi na'ng mga pangyayari
Ang layo na ng narating simula nung seven sixteen

Tanging ikaw lamang ang aking inaasam
Gustong makapiling, hindi lang sa split screen
Pabebe wave, maAlden kita
At wag kang magalala, pangako ko sayo
Hindi ako magsasawa't patuloy lang na aasa
Sa tamang panahon

Lahat ng bagay ay pinaghihirapan
Walang nadadaan sa pagmamadali
Sabi nga ni Lola tayo ay magtiwala
Na malapit na malapit na ang tamang sandali

Tanging ikaw lamang ang aking inaasam
Gustong makapiling, hindi lang sa split screen
Pinky swear, Mainenamahal kita
At wag kang magalala, pangako ko sayo
Hindi ako magsasawa't patuloy lang na aasa
Sa tamang panahon

Aldub darapdapda
Aldub darapdapda


Share this article :

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. PML - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger